-- Advertisements --

Binitbit ni NBA superstar Kawhi Leonard ang Los Angeles Clippers para itumba ang New York Knicks, 129-115.

Nagtala si Kawhi ng 28 points para sa kanilang ika-16 na panalo.

Hindi umubra ang Knicks sa pagiging leading defensive team sa init sa opensa ng Clippers.

Ipinagmalaki naman ni Paul George na may 17 points ang nagiging maayos nilang set plays patunay na ang panalo rin nila nitong nakalipas na Sabado.

Nagbuslo ng 17 mga 3-pointers ang Clippers liban pa sa 54% overall shots laban sa Knicks (9-12) team.

Sa Knicks sina Julius Randle ay nagpakita ng 27 points at 12 rebounds habang sina rookie Immanuel Quickley ay merong 25 points at si RJ Barrett ay nagtapos sa 23.

Sa sunod na laro ng Clippers ay kontra sa New York sa Miyerkules.

Ang Knicks naman ay bibisita sa Chicago sa Martes.