Tuluyan nang umataras sa Paris Olympics si 2-time NBA champion Kawhi Leonard dahil sa problema sa kalusugan.
Sa inilabas na official statement ng USA Basketball, napagdesisyunan umano ng Team USA at Los Angeles Clippers na kasalukuyang NBA team ni Kawhi, na hindi na muna siya maglaro sa Olympics at unahin muna ang kanyang kalusugan para sa susunod na season ng NBA.
Nagpasalamat din ang Team USA sa pagpopursige ng tinaguriang ‘the claw’ at ginugul ang ilang linggo para paghandaan ang Olympics kasama ang katatapos lamang na training camp.
Papalitan naman ni NBA champion at Boston Celtics guard Derrick White si Kawhi.
Si White ay ang ika-apat na scorer ng Boston sa kanilang nakalipas na championship game.
Hawak niya ang 15.2 points per game gamit ang episyenteng 39.2% shooting sa 3-pt line.
Nakasali rin si White sa all-defensive second team ng NBA.
Mula sa orihinal na 12 miyembro ng Team USA, tanging si Kawhi pa lamang ang opisyal na umaalis sa koponan habang nananatiling dinaramdam naman ni Kevin Durant ang pananakit ng kanyang binti.