-- Advertisements --

Inihandog ni 2020 NBA All-Star MVP Kawhi Leonard ang kanyang nakamit na panibagong parangal sa namayapang basketball superstar na si Kobe Bryant.

Ayon kay Leonard, napakalaking bagay para sa kanya na matanggap ang naturang award.

Nagpasalamat din ito kay Bryant sa lahat ng nagawa nito para sa kanya, na naging kaibigan nito at nakasama sa maraming okasyon sa labas ng NBA.

“It means a lot to me. Words can’t even explain,” wika ni Leonard. “I wanna thank Kobe for everything he’s done for me. All the long talks and workouts, this one is for him.”

Si Leonard ang kauna-unahang recipient ng Kobe Bryant MVP award, na binago ang pangalan mula sa All-Star Game MVP trophy bilang pagpupugay sa pumanaw na NBA icon.

Sa ginanap na NBA All-Star Game sa Chicago kanina, umiskor ng 30 points tampok ang walong 3-pointers upang pangunahan ang panalo ng Team LeBron kontra sa Team Giannis, 157-155.

Matatandaang isa si Bryant sa walong mga nasawi sa pagbagsak ng helicopter sa bahagi ng Calabasas, California noong Enero 26.