-- Advertisements --
kawhi leonard
Kawhi Leonard

Binitbit ng dating NBA finals MVP na si Kawhi Leonard ang Los Angeles Clippers upang makalusot sa Miami Heat, 122-117.

Muling nagpakita ng kanyang all around game si Kawhi sa pamamagitan ng kanyang unang triple double performance na may 33 points, 10 rebounds at 10 assists.

Ito na ang ika 32 panalo ng Clippers ngayong season.

Sa pagtatapos pa lamang nga half time ay meron na kaagad natipon na 26 points si Leonard.

Maging si Heat coach Erik Spoelstra ay nasorpresa dahil sa dami ng milestones na naabot ni Kawhi, ito pa lamang ang first triple double at nagkataong laban pa sa kanyang team.

Sa pagtatapos ng game ay ipinasa kay Clippers coach Doc Rivers ang souvenir game ball at ibinalik kay Leonard.

Tumulong naman sa opensa ng Clippers sina Landry Shamet na may 22 points habang sina Lou Williams ay naka-16 at si Montrezl Harrell ay nagdagdag ng 15.

Sa panig ng Heat si Jimmy Butler ay nagpakita ng 20 points pero inilabas siya sa kalagitnaan ng 4th quarter dahil sa posibleng injury sa kanyang right ankle.

Ang Miami ay nasa 31-14 ngayon ang record.

boston celtics 1

Sa ibang game, hindi rin naman nagpahuli ang Boston Celtics nang itumba ang Orlando Magic, 109-98.

Nanguna sa panalo ng Celtics (30-14) si Kemba Walker na nagpasok ng 37 big points at tumulong si Gordon Hayward ng 22 points para iangat nila ang team gamit ang rallly mula sa 16-point na first half deficit.

Samantala ang defending champion na Toronto Raptors ay wagi rin naman laban sa New York Knicks, 118-112.

Nagsama ng puwersa sina Kyle Lowry, 26 points at Pascal Siakam, 23 points para iposte ng Raptors (31-14) ang ika-anim na sunod na panalo.