-- Advertisements --

Nagtala ng “come from behind” win ang Toronto Raptors sa Game 6 laban sa Milwaukee Bucks, 100-94, daan upang umusad sa unang pagkakataon sa NBA (National Basketball Association) Finals.

Haharapin ng Raptors ang defending champion at well rested na Golden State Warriors sa Game 1 simula sa Biyernes.

Sumandal ang Raptors sa 26-3 run sa third quarter hanggang fourth quarter upang habulin ang 15 points deficit.

Kawhi of Raptors
(C) @nbastats

Nanguna sa diskarte ng Toronto si Kawhi Leonard na nagpakita ng 27 points at 17 rebounds na tinulungan nina Paskal Siakam na may 18 points, Kyle Lowry na pomoste ng 17, at si Fred VanVleet ay nagpakawala ng 14 points.

Nasayang naman ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo para sa Bucks na may 21 points at 11 rebounds.

Hangad sana ng Bucks na ma-extend ang serye sa Game 7 pero tuluyang nag-collapse sa huling bahagi ng game.

Nawala ring parang bula ang ambisyon sana ng Bucks na umabot sa Finals sa loob ng 45 taon.

Para naman sa Raptors, nagpakita ito ng matinding consistency nang ibulsa ang Eastern Conference finals sa apat na sunod-sunod na panalo.