-- Advertisements --

Muling nagsama ang puwersa sina Kawhi Leonard na may 31 points at Paul George na nag-ambag ng 29 para talunin ng Los Angeles Clippers ang Oklahoma City Thunder, 120-106.

Ito na ang ika-anim na sunod-sunod na panalo ng koponan.

Nagpakitang gilas din si Serge Ibaka gamit ang 17 points at 11 rebounds upang tulungan ang Clippers sa record na 12-4.

Nahabol na ng Clippers ang Lakers sa hawak na NBA’s best record.

Nanguna naman si Shai Gilgeous-Alexander sa Thunder na nagpakita ng 30 points at eight assists sa dati niyang team.

Ang Thunder ay dati ring team noon ni George.

Samantalang muling magbabanggaan ang dalawang team sa Staples Center sa Lunes.