Binitbit ni NBA superstar Kawhi Leonard ang Los Angeles Clippers para makalusot laban sa Chicago Bulls, 130-127.
Kumamada ng season high na 35 points si Leonard para maabot na rin ang 10,000 points sa kanyang buong career.
Para kay Leonard hindi na niya pinapansin ang kanyang milestone at saka na lamang pagnagretiro na siya.
Ang mahalaga aniya sa ngayon ay maipanalo ang laban ng kanyang team.
Sa init ng mga kamay ni Kawhi, naipasok din niya ng limang three pointers para makatipon na ang Clippers ng pitong panalo.
Tinanggal na rin ni Leonard ang nakalagay na plastic face mask bilang proteksiyon sa nakuhang injury, dalawang linggo na ang nakalipas.
Ang kanyang namang partner na si Paul George ay pumuntos ng 28 points.
“Maybe when I retire I’ll sit back and look at the accomplishments,” ani Leonard. “But right now it’s about being greedy and wanting more.”
Sa kampo ng Bulls, nasayang ng husto ang ginawang pagkayod ni Zach LaVine na nagposte ng 45 points, 7 rebounds at 7 assists.