-- Advertisements --

TORONTO – Tumipa ng career playoff-high 45 points at 11 rebounds si Kawhi Leonard, nagdagdag ng 29 points si Pascal Siakam at tinalo ng Toronto Raptors ang Philadelphia 76ers, 108-95, sa Game One ng kanilang Eastern Conference semifinal series.

Tinapatan ni Leonard ang kanyang career-best scoring total sa lahat ng laro, na kanyang naitala noong Enero 1 sa basketball game kontra Utah Jazz.

Naipasok niya ang 16 sa kanyang 22 shots, may 3 of 6 shooting sa 3-point range, at may 10 of 11 naman sa free throw line.

Dahil dito, nakatanggap ng standing ovation si Leonard sa huling 3:14 ng laro.

Kumamada naman ng siyam na puntos at walong assists si Kyle Lowry para sa Raptors na may limang magkakasunod na postseason victory na sa ngayon.