-- Advertisements --
Larry Bird Magic Johnson
Legends Larry Bird and Magic Johnson / photo from @MagicJohnson

Lumutang ngayon ang pagnanais umano ng NBA finals MVP na si Kawhi Leonard na makasama ang retired at basketball legend na si Earvin Magic Johnson na makasama niya sa nakatakdang negosasyon sa Los Angeles Lakers.

Batay sa NBA rules, hindi maaaring maging bahagi ng official team meetings si Johnson sa pag-uusap ng mga free agents pero personal daw ang naging request ni Kawhi sa may-ari ng Lakers na si Jeanie Buss.

Kung maaalala si Magic ay naging presidente ng Lakers gayunman nag-resign sa unang bahagi ng taong ito makaraang mabigo ang team na pumasok sa playoffs.

Para naman kay Johnson handa siyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya.

“A friend of mine called and says Kawhi wants to meet with you,” pahayag ni Johnson sa ESPN. “I said no problem. I’m available if that’s what this man wants.”

Maging si LeBron James ay nagpaabot din daw ng mensahe na bukas ito na makasama sa pagpupulong kung kinakailangan.

Una nang binulabog ng Lakers ang NBA community makaraang makuha si Anthony Davis sa Pelicans sa isang blockbuster deal.

Inaasahan naman na matapos ang pulong nina Leonard sa Lakers sa susunod na linggo susundan pa ito ng ilan pang teams na nag-aambisyong masungkit din ang kanyang matamis na “oo.”

Curry kawhi klay
Kawhi Leonard double teamed by Stephen Curry and Klay Thompson (photo from ca.nba.com)

Bilang unrestricted free agent huling kakausap kay Leonard ang management ng kanyang kampeon na team na Toronto Raptors na tiyak na gagawin ang lahat para manatili siya sa koponan.