-- Advertisements --

Patuloy na umaani ng iba’t ibang papuri ang ipinapakitang laro ng Toronto Raptors main man na si Kawhi Leonard.

Maging ang karibal na Warriors superstar na si Stephen Curry ay sumaludo kay Leonard sa pagsasabing “amazing” performance sa Game 4.

Ayon kay Curry, nagawa kasing maipasok ni Kawhi ang mga big shots sa third quarter na nagbigay kalamangan sa Raptors.

“I mean (Kawhi Leonard) played amazing,” ani Curry sa postgame press conference. “He hit every big shot, momentum shot that in that third quarter, it gave them the lead.”

Inamin din ng dating Defensive Player of the Year na si Draymond Green na kakaibang player si Kawhi dahil hindi natitinag kahit matinding depensa at pagbulabog ang kanilang ginagawa.

Curry and Leonard
Curry and Leonard/ NBA Latest FB image

Sinabi naman ng ilang players, kakatwa rin ang istilo ni Leonard bunsod na wala itong reklamo at cool na cool lang.

Ang Raptors coach na si Nick Nurse ay bilib na bilib din kay Leonard na siyang nag-angat sa kanilang team sa third quarter gamit ang back to back 3-pointers.

“Well, obviously he’s playing great and he’s lifted us a lot of times with big buckets or runs of buckets or just that settling bucket when the place is going crazy and he’ll calmly sink one to kind of quiet the crowd.”

Samantala, iniulat ng NBA statistics na kahanay na ngayon ni Kawhi ang mga basketball greats na sina Kobe Bryant, Michael Jordan, Hakeem Olajuwon, Allen Iverson at LeBron James kung pag-uusapan ang naitatalang 30-points per game pagkatapos ng NBA postseason.

Sa crucial Game 4 ay merong 36 points na naiposte si Kawhi.

Para naman kay Leonard hindi na niya kailangan pa ang magpakitang gilas o payabangan sa laro.

Ang mahalaga umano ay matulungan niyang manalo ang kanilang team.

“I don’t play hero basketball,” paliwanag ni Leonard sa ESPN. “I’m not playing for fans, you know. I’m just playing to win. I’m not out here trying to break records, whatever’s on the scoreboard. I’m just out here trying to help my team win.”

NBA stats