Inayawan na umano ni Kawhi Leonard ang kanyang $21.3-milyong player option deal upang maging free agent na ito sa darating na offseason.
Gayunman, napapabalitang seryoso raw na kinokonsidera ng two-time NBA Finals MVP ang pumirmang muli ng kontrata sa Toronto Raptors.
Kabilang sa mga opsyon ni Leonard ay ang five-year, $189.7 million max extension sa Raptors, o four-year, $140.6 million contract sa ibang franchise.
Sinabi ng mga sources, bagama’t naeenganyong bumalik sa kanyang hometown na Southern California si Leonard, nananatili pa rin umanong paborito ang Raptors na maging destinasyon pa rin ng two-time NBA Defensive Player of the Year.
Magugunitang binitbit ni Leonard ang Toronto patungo sa kanilang unang NBA title nang payukuin nila ang Golden State Warriors sa Game 6 ng best-of-seven showdown.