-- Advertisements --
Mayor Aguinaldo
Kawit Mayor Angelo Aguinaldo

Nakaisip ng kakaibang paraan si Kawit, Cavite Mayor Angelo Aguinaldo para makalikom na pondo sa mga naapektuhan ng coronavirus.

Sinabi ng alkalde na kaniyang ipapasubasta ang kaniyang 1969 Dodge Charger R/T.

Ang nalikom na pera ay itutulong niya sa mga senior citizen.

Aminado ito na mahalaga sa kaniya ang nasabing sasakyan subalit hindi matutumbasan ang pagpapahalaga sa mga senior citizens sa kasagsagan ng krisis.

Umaabot na niya sa P5.9 million ang nagbigay ng kanilang initial bid sa sasakyan.

Matatapos ang nasabing bidding ng sasakyan hanggang sa Linggo.