Nasa restrictive custody ngayon ang apat na pulis ng Kawit,Cavite PNP matapos makita sa isang video na inaaresto ang isang babae sa pamamagitan ng pagkaladkad nito palabas ng kanilang bahay.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP Calabarzon Regional Police Director BGen. Vicente Danao, sinabi nito na hindi niya ito-tolerate ang kaniyang mga tauhan lalo na ang mga hindi sumusunod sa kanilang Police operation protocol.
Ayon sa heneral, layon ng paglagay sa mga sangkot na pulis sa restrictive custody ay para maiwasan ang anumang impluwensiya na maari nilang gawin sa kaso sa nasabing area lalong lalo na sa suspek kung meron man silang gawin na hindi maganda.
Sa ngayon nasa kustodiya ng Cavite Police Provincial Office ang apat na mga sangkot na pulis habang gumugulong na ang imbestigasyon.
Matapos mabatid ni Danao ang insidente, agad na pinasibak nito sa pwesto ang mga sangkot na pulis kasama ang Chief of Police dahil sa command responsibility.
Pina background check din ni Danao ang apat na pulis, at sinabi nito na ginagawa naman ng mga ito kanilang trabaho.
Inihayag ni Danao na ang tatay ng babaeng inaresto ng mga pulis ay may pending case sa korte dahil isa itong drug pusher at under litigation ang nasabing kaso.
Dagdag pa ng heneral batay sa nakuha nilang impomasyon na ang hinuling babae ang umano’y pumalit sa trabaho kaniyang tatay.
Pero gayunpaman sinabi ni Danao, kahit drug suspek ang inaresto ay mali ang paraan sa ginawang pag aresto ng mga pulis sa babaeng suspek.
” Hindi pa rin po dapat yung execution ng ganon ng pulis, so dapat ayusin pa rin kasi no matter how grave the offense ng isang akusado ay meron pa rin po yang karapatan na dapat natin igalang,respetuhin at sundinso dapat hindi po nangyari yon,” wika ni BGen. Danao.
Pinatitiyak ni Danao sa mga kapulisan na napapahalagahan ang karapatang pantao ng bawat akusado.
Babala naman ni Danao sa mga pasaway na pulis na na hindi sumusunod sa police operational procedure na may kalalagyan ang mga ito
Pinaalalahanan din ng heneral ang kaniyang mga opisyal na palagiang i-remind sa kanilang mga tauhan hinggil sa tamang pagpapatupad ng law enforcement operation.
Nang malaman ni Danao ang insidente agad niya pinatawag ang Provincial director ng Cavite at ang Chief of Police ng Kawit na si Maj. Gabriel Onay kasama ang mga sangkot na pulis at hiningan ng paliwanag hinggil sa insidente.