-- Advertisements --

Nakapasok na sa AFC Champions League ang KAYA FC-Iloilo matapos na talunin ang Shanghai Port 1-0 sa kanilang laro na ginanap sa Pathum Thani Stadium sa Bangkok.

Tanging si Audie Menzi ang nakapagtala ng kaisa-isang goal.

Ito ang unang pagkakataon mula 1996 na makapasok ang nasabing football club sa nasabing AFC Champions League.

Kailangan lamang kasi na manalo ang Kaya FC para makaabanse sa AFC Champions League matapos na umatras sa torneo ang Brisbane Roar.

Susunod na makakaharap nila ang Thailand champion na BG Pathum United sa Biyernes.

Makakaharp din ng football club ang Viettel FC sa susunod na Martes at ang AFC Champions League reigning champion Ulsan Hyundai FC.