-- Advertisements --

Isang panalo nalang ng KAYA FUTBOL CLUB ILOILO laban sa Sydney FC sa Australia, pasok na ito sa Asian Football Confederation (AFC) Champions League’s. Ang nasabing laban ay gaganapin sa March 8 sa Netstrata Jubilee Arena sa Australia.

Sa biglaang pag-pull-out ng Changchun Yatai FC, ito naman ang naging daan para ang KAYA FC Iloilo ang haharap sa Sydney Football Club.

Matapos i-anunsiyo ng AFC ng Martes na tinanggap nito ang pag-withdraw ng Changchun Yatai FC’s ngunit hindi binanggit ang dahilan kung bakit ito nagwithdraw.

Kung sakaling palarin ang KAYA FC Iloilo sa Prelimenary laban sa Sydney sila ay makakasama sa Champions League’s Group H kasama sina Jeonbuk Hyundai Motors na mula South Korea, Japan’s Yokohama F Marinos, at Vietnam’s Hoang Anh Gia Lai.

Samantala, kung matalo naman ito laban sa Sydney FC, sila ay muling ibaba sa second tier ng 2022 Asian Football Confederation (AFC) Cup.

Ang 2022 AFC Champions League ay gaganapin sa isang centralized location sa Ho Chi Minh, Vietnam mula April 15 hanggang May 1.

Napag-alaman na ito ang pangatlong sunod-sunod na taon ng Iloilo City based footbool team, na kung saan nanguna sa 2021 Copa Paulino Alcantara nakaraang taon, na nakikipag compete para makakuha ng slot sa AFC Champions League group stage.

Samantala, ang four-time defending Philippines Football League (PFL) champion United City Football Club ay automatic nang maglalaro sa 2022 AFC Champions League.