CAUAYAN CITY- Balik na sa normal ang sitwasyon matapos na itigil ang mga kilos protesta sa Kazakhstan.
Ang idineklarang state of emergency na magtatagal sana hanggang ikalabingsiyam ng Enero ay inalis na .
Ipinatupad ang lockdown dahil sa pagdami ng mga tinamaan ng COVID-19.
Dahil dito ay balik sa online ang klase ng mga mag-aaral.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa Pilipinang guro sa Kazakhstan na si Rozie Ronduen , sinabi niya na inaayos na ang mga napinsalang ari-rian sa mga isinagawang kilos protesta sa mga malalaking lunsod sa naturang bansa.
Aniya, natakot siya noong makita ang mga video ng mga marahas na kilos protesta dahil may mga pinasok pang municipal hall at sinira ang mga bintana sa tanggapan ng mayor at marami rin silang sinira na sasakyan.
Ayon kay Ronduen, nangamba siya na lumala ang sitwasyon sa Kazakhstan an magbubunga ng pagkawala nila ng trabaho at hindi sila makalabas sa naturang bansa kung isasara ang mga paliparan.
Kaunti aniya ang Pinoy sa naturang bansa at nawala ang internet connection ng dalawang araw. Hindi sila makabili ng pagkain dahil cashless ang mga transaction doon.