-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Kazakhstan na nakakaranas ng hindi pa lamang pneumonia ang kanilang bansa.

May kaugnayan ito sa naging ulat ng Chinese Offical na ang nasabing pneumonia ay mas matindi pa sa novel coronavirus.

Naglabas na ang Chinese Embassy sa Kazakhstan ng babala sa kanilang mamamayan na mag-ingat sa nasabing bagong kaso ng pneumonia na kumitil na umano ng mahigit 1,700 katao.

Sa pahayag naman ng Health Ministry ng Kazakhstan na walang katotohanan ang nasabing ulat ng China.

Ang hindi pa malamang pneumonia ay kasunod ng guidelines ng World Health Organization.