-- Advertisements --

Pinagbabayad ng Korean Basketball League (KBL) ng 3,000,000 South Korean Won, na may katumbas na humigit-kumulang Php128,386 na multa si Goyang Sono import Chinanu Onuaku matapos makapagtamo ng malulubhang injuries ang manlalarong Pinoy ng Anyang Jung Kwang Jang na si Rhenz Abando.

Nagtamo ng lumbar vertebrae 3 and 4 fractures, at wrist sprain si Abando, matapos ang kolisyon nila ni Onuaku sa offensive rebound.

Bagamat hindi na natuloy ang napipintong suspensyon ni Onuaku, nagdesisyon naman ang KBL’s Finance Committee na patungan ng multa ang naturang manlalaro dahil sa “unsportsman-like conduct.”

Naglabas din ng stern warning ang KBL sa mga game officials na naka-talaga noong kasagsagan ng laban ng Anyang Jung Kwang Jang at Goyang Sono.

Naghayag naman ng sama ng loob ang Anyang Head Coach Kim Sang-sik kaugnay ng malalang injuries ng KBL Slam Dunk champion.

“It’s really unfortunate. He is a struggling player who came to a place with a different culture and climate at a young age to make money. So I really cared about him and thought of him like a child,” ayon sa head coach.

Samantala, kinakailangang magpahinga ni Abando sa paglalaro ng basketball nang hindi bababa sa apat na lingo para sa pagpapagaling ng mga natamong injuries.