Matagumpay na namang naisagawa ngayon dito sa Mabitac, Laguna ang taunang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Broadcastreeing kung saan simultaneous o sabay sabay na nagtatanim ng mga puno ang 35 KBP Chapters nationwide.
Pinangunahan ito ni KBP Chairman Herman Basbaño ngunit ang isinagawang broadcastreeing ngayong taon ay hindi lamang bilang tulong sa kalikasan ngunit bilang pagbibigay pugay na rin sa yumaong environmental warrior na si Ms. Gina Lopez.
Kung maaalala, pumanaw si Gina Lopez sa edad na 65 noong Agosto disinuwebe ngayong taon matapos makipaglaban sa sakit na brain cancer.
Iniaalay ng mga miyembro ng KBP para kay Lopez ang libo-libong mga puno na itinanim ng ilang opisyal at media sa ilalim ng KBP.
Kaagapay ng KBP ang Department of Environmental and Natural Resources (DENR) sa pagsu-supply ng mga seedlings na itinanim.
Nagbigay mensahe rin si KBP Chairman Basbaño sa lahat ng personalidad na nagttrabaho sa media maging sa mga kabataan.