-- Advertisements --

Ibinunyag ng Kapisanan ng Broadcaster ng Pilipinas (KBP) na hindi accredited broadcasters ang mga anchors ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil hindi sumailalim ang mga ito sa isang seminar on responsible broadcasting na siyang pangunahing requirement para sa accreditation ng isang journalist.

Ayon kay KBP vice president for legal and Regulatory Compliance Group Rudolph Jularbal, nilabag ng SMNI ang rule ng KBP na nire-require ang mga member-networks na sumailalim sa seminar on the Broadcast Code of the Philippines.

Ginawa ni Jularbal ang pagbubunyag sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises.

Tugon ng KBP sa pagtatanong ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop kung sinusunod ng SMNI ang mga provisions ng KBP Code of Conduct.

“Your Honor, we beg your indulgence, but in the context of what has been presented and of which I am informed this hearing, the network is lacking in observance of the Code of Conduct,” pahayag ni Jularbal.

Ang pagdinig ng Komite ay bunsod sa naging privilege speech ni House Deputy Majority Leader David Jay-Jay Suarez kaugnay sa alegasyon na gumasta si Speaker Romualdez ng P18 billion para sa kaniyang travel expenses.

Humingi ng paumanhin ang dalawang anchor kay Speaker Romualdez at sa Kamara, na nagpahayag ng panghihinayang sa anumang pinsalang dulot ng kanilang mga pahayag sa programa.

Iginiit ng mga ito na hindi sila sangkot sa anumang smear campaign laban sa Kongreso.

Hinamon naman ni Quezon Rep. David Suarez, ang mga opisyal ng SMNI na i-give up ang broadcasting privilege na ibinigay ng Congress sa panahon ng Duterte administration.

“If you can prove your allegation to be true, I will resign as a member of Congress. If I can prove you wrong, you should put your legislative franchise on the line,” pahayag ni Suarez.

Sinabi ni SMNI president Marlon Rosete at legal officer Mark Tolentino na hindi sila handang ipagsapalaran ang broadcasting privilege ng kanilang network.