-- Advertisements --
KBP examination, UP TV Studio, Diliman, Quezon City

Naglunsad ng pilot testing ang Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) para sa bagong proseso ng accreditation.

Ayon kay Prof. Rose Feliciano ng KBP standards authority, layunin nitong mai-angkop sa pagbabago ng panahon ang pamamaraan nila nang pagsala sa mga bagong brodkasters.

Kaya naman, pumili sila ng mga accredited broadcasters mula sa iba’t-ibang network upang isalang sa bagong uri ng pagsusulit.

Kabilang sa mga napili ang ilang news anchors, reporters at DJs ng Bombo Radyo at Star FM.

Sinabi naman ni KBP national chairman Herman Z. Basbaño na bahagi ito ng ilang pagbabago dahil sa mga darating na panahon ay may mga paghihigpit na ring ipatutupad para sa mas mataas na kalidad ng pamamahayag sa Pilipinas.