Tiniyak ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) ang kahandaan nitong tumulong gobyerno sa pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay sa COVID-19.
Nakipagpulong nitong hapon sa mga opisyal ng KBP sina Health Sec. Francisco Duque III at Communications Sec. Martin Andanar para sa hangaring ito.
Sinabi ni KBP national chairman Herman Basbaño na sa panahong ito na may deklarasyon na ang Malacañang na State of Public Health Emergency, kailangan ng madalas ang pagpapaalala sa publiko kaugnay sa mga dapat gawin para maiwasang mahawa ng COVID-19.
Ayon kay Basbaño ng Bombo Radyo Philippines, mahalagang malaman ng publiko ang mga tamang impormasyon hinggil sa nasabing sakit at hindi ang puro fake news na lumalabas sa social media.
Ang mga impormasyon o infomercials sa COVID-19 ay manggagaling DOH at ipo-produce ng PCOO bago ipalalabas nang libre sa mga radyo at telebisyon.