-- Advertisements --
Personal na iniabot ng actress na sina Ruffa Gutierrez at KC Concepcion ang kanilang tulong sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa Tuguegarao city, Cagayan.
Aabot sa 10,000 relief goods ang dala ng dalawa kasama ang ibang mga volunteer.
Sa kaniyang Instagram, ikinatuwa ni KC dahil kahit na nasalanta na ang maraming tao ay nakukuha pa nilang ngumiti.
Kasama naman ni Ruffa ang dalawang anak na sina Venice at Lorin na personal na iniabot ang mga tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo.
Patuloy din ang pagpapaabot ng dasal ng dalawa para sa agarang pagbangon ng lugar.