-- Advertisements --
Ipinaabot ni KC Concepcion ang pagbati nito para sa half sister na si Cloie Syquia Skarne.
Ito ay kasunod ng pagiging engaged na ng 26-year-old former beauty queen sa kanyang Swedish boyfriend of five years.
Una nang inamin ng 35-year-old Megastar daughter na natakot ito noon sa usapin ng kasal dahil lumaki sa broken family, kaya naman siya lagi ang nauunang makipaghiwalay sa mga naging kasintahan.
Si Cloie ay anak ng aktor na si Gabby Concepcion sa dating aktres at Fil-Am Swedish model na si Jenny Syquia.
Si KC naman ay anak ni Gabby kay Sharon Cuneta.
Kung maaalala, hanggang sa Top 8 ang beauty queen sister ni KC nang sumabak sa Miss Earth 2016 na sa Pilipinas ginanap.