-- Advertisements --

Mistulang highlight ng 36th birthday ni KC Concepcion ang pagkakataong pag-bonding nila ng ama at kapwa artistang si Gabby Concepcion.

Ayon sa Megastar daughter, natuklasan nito na “joker, cool, and down to earth” pala ang kanyang daddy Gabby.

Nagpapasalamat aniya siya sa Diyos sa kanilang naging palitan ng tawag, gayundin ang quality time sa dagat, at malalim na kuwentuhan hanggang sa makatulog.

Noong nakaraang linggo nang ipagdiwang ni KC o Kristina Cassandra sa tunay na buhay, ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang half sisters sa bagong pamilya ni Gabby.

Si KC ay anak ni Gabby sa dating misis na si Sharon Cuneta, na ngayon ay mayroon na ring sariling pamilya sa piling ni Sen. “Kiko” Pangilinan.

Noong nakaraang taon nang aminin ni KC na dinadamdam pa rin nito ang pagkakaroon ng hiwalay na magulang.

Naluluha niyang sinabi na kapwa mayroon nang kanya-kanyang pamilya sina Sharon at Gabby at siya lang ang tila naiwan na nag-iisang anak.