-- Advertisements --
Nagluluksa ngayon ang OPM singer na si Kean Cipriano dahil sa pagpanaw ng ina nitong si Chona.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang larawan nilang mag-ina na may sulat na alay para sa namayapang ina.
Pinasalamatan din nito ang ina dahil sa walang humpay na pagmamahal noong ito ay nabubuhay pa.
Nitong Abril 1 pumanaw ang 60-anyos na ina kung saan hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa musika ganun din anglang mga malalapit na kaibigan.