-- Advertisements --

Sinimulan na ng Hollywood actor na si Keanu Reeves ang kaniyang professional auto racing career.

Nitong weekend ay lumahok ang actor at natapos ang ToyotaGR Cup sa Indianapolis Motor Speedway.

Sa kabuuang 33 racers ay nasa pang-25 place ito sa sa Race 1 nitong Sabado at naging pang-24th place naman ito sa Race 2 noong Linggo.

Muntik pa itong mabalahaw sa damuhan at mabangga ang isang sasakyan subalit ito ay kaniyang naiwasan.

Kasama niya sa koponan si “Dude Perfect” star Cody Jones.

Taong 2009 ng lumahok na rin ito at nagwagi sa Long Beach Toyota Grand Prix celebrity racing event.