-- Advertisements --

Dinagdagan ng Nigeria ang mga sundalo na nakatalaga sa Kebbi State.

Ito ay para hindi na maulit pa ang nangyaring pang-aatake ng mga armadong grupo na ikinasawi ng 88 katao.

Nilusob ng mga armadong suspeks ang mga iba’t-ibang lugar sa nasabing estado at walang habas silang namaril.

Ayon kay Abubakar Bagudu ang tagapagsalita ng Kebbi governor na galing sa kalapit na lugar ang mga suspek gaya ng Niger at Zamfara.

Pinagsisira nila ang mga pananim at ninakaw ang mga alagang baka ng mga residente.