-- Advertisements --

Nagpasabog ng 47 points si Keegan Murray, nagdagdag ng 20 si Domantas Sabonis, habang 18 points naman ang ibinuhos ni Malik Monk at ibinaon ng Sacramento Kings ang Utah Jazz, 125-104.

Nagliyab ng 12 of 15 sa 3-point si Murray kung saan tumabla ang performance niya sa pangatlo sa pinakamaraming binitawang 3-pointers sa kasaysayan ng NBA.

Umiskor ang second year forward na si Murray ng 19 puntos sa first half para pangunahan ang Sacramento sa 62-50 na pagpasok sa 2nd half.

Sa performance ni Murray ay nagbigay sa kanya ng ika-7 manlalaro sa kasaysayan ng NBA na gumawa ng 12+ 3PM sa isang laro, pinakabatang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na gumawa ng 12 o higit pang tres sa isang laro at pinakabagong record ng Sacramento Kings para sa 3-pointers na ginawa sa isang laro na may 12 3-pointers.