Binalewala lamang ni Sen. Manny Pacquiao ang banat sa kanya ng makakaharap nitong si Keith Thurman na siya na raw ang huling makakatunggali ng Pinoy eight-division world champion.
Ayon kay Pacquiao, hindi raw siya naduduwag kay Thurman bagkus ay nagbibigay pa raw ito ng inspirasyon sa kanya.
Giit ni Pacquiao, sa kanyang 20 taong karera sa boxing, wala na raw sinuman ang makapagpapasindak sa kanya.
“Keith Thurman doesn’t scare me. He inspires me,” wika ni Pacquiao. “My story is 40 years in the making. My time is not yet over. My journey will continue. I’m not ready to look back. I’m still looking forward.”
Sa panig naman ni Thurman, kanya raw ipaparanas sa Pinoy ring icon ang ginawa naman nito sa naging bakbakan nila ni Mexican legend Oscar De La Hoya noong 2008.
Sinabi pa ng undefeated American boxer na kayang-kaya niya raw magapi si Pacquiao at madali raw hulaan ang taktika ng Fighting Senator.
“I’m excited to be the guy who shows Manny Pacquiao where the exit is. He’s a legend who’s done great things. But I’ve never lost to a fighter who’s lost seven times. I have no intention of losing this fight and I don’t see him winning in any shape or form,†ani Thurman.
Matapos ang kanilang press tour sa New York, tutungo namang sunod ang dalawa sa Los Angeles para i-promote ang kanilang laban sa Hulyo 21.