-- Advertisements --
Kelly Day

Nakatakdang magpa-swab test test si Kelley Day, na siyang pambato ng Pilipinas sa Miss Eco-International.

Ito’y bago ang kanyang flight sa susunod na linggo patungong Egypt kung saan gaganapin ang coronation kasabay ng Easter Sunday sa darating na April 4.

Ayon sa aktres at dating miyembro ng GirlTrends, wala naman siyang pangamba pagdating sa Egypt dahil mahigpit na ipinapatupad ang safety protocols at bawal din silang mamasyal pa.

“The place that we are going to be staying which is Dahab/Sharm el-Sheik and The Hub, they’re both resorts and we’ll be in a bubble, so isolated and of course tested upon arrival and quarantine until they have the negative test results,” saad nito sa idinaos na send off ceremony.

Gusto lang ni Kelley na i-enjoy ang kompetisyon at ayaw magpa-pressure na masungkit ang pangalawang Miss Eco International crown para sa bansa.

Si Thia Thomalia ang kauna-unahang Pinay na Miss Eco-International noong 2018, habang tinanghal na first runner-up naman ang huling kandidata natin na si Maureen Montagne.

Sa panig ng Miss World Philippines organizer na si Arnold Vegafria, mababa na ang kaso ng coronavirus sa Egypt at hindi na raw nagsusuot ng face mask ang ilan doon.

Noong nakaraang taong nang dalawang beses na-postpone ang Miss Eco International dahil sa pandemya.