-- Advertisements --

Tinawag na “fake news” ni Kelley Day ang pagkakaladkad ng kanyang pangalan sa ilang araw nang usap-usapan na paghihiwalay umano nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nabatid na tatlong buwan pa lamang mula nang ikasal ang dalawa, pero nitong mga nakaraang araw nang maging kontrobersyal ang pag-unfollow ng 34-year-old actor sa social media account ng kanyang 35-year-old celebrity wife.

Ayon sa 25-year-old Tarlac beauty, walang katotohanan na siya ang “third party” sa isyu bagama’t hindi direktang binanggit ang pangalan nina Tom at Carla.

Dagdag ni Kelley, nagtungo siya sa London upang maka-bonding ang kanyang pamilya sa gitna ng pagkamatay ng kanilang kaanak at hindi dahil sa siya raw ay buntis.

“I have never had anything close to romantic involvement/interest with the person. I have, and always will the utmost respect for the Couple. They have always treated me with kindness. I hope this clears up the false rumors involving me. So much fake news out there nowadays. I hope we can take more caution with what we choose to believe online,” bahagi pa ng pahayag ni Day.

Kung maaalala, nasungkit ng dating GirlTrends member ang first runner-up sa Miss Eco International 2020 at siya ring tinanghal na Best in National Costume.

Si Kelley ay nakatrabaho ni Rodriguez sa kakatapos lamang na Kapuso prime-time series.