-- Advertisements --

Kinatigan ng korte ang singer na si Kelly Clarkson sa pagkuha ng kustodiya ng dalawa nilang anak.

Ang nasabing kustodiya ay siyang ipinaglalaban ng singer sa Los Angeles Court ng magsampa ito ng divorce sa dating asawa na si Brandon Blackstock.

Hindi kasi pumayag ang korte na dalhin ni Blackstock ang anim na taong gulang at apat na taong gulang na anak sa kanilang rancho sa Montana dahil ito ay hindi maganda sa kalusugan ng mga bata.

Dahil sa California ang kanilang
bahay at hindi Montana kaya dapat na sa Los Angeles sila manirahan.

Sa ngayon ay kasalukuyang dinidinig pa rin ng korte ang inihaing divorce ng singer.