Lubos pa rin ang pasasalamat pambato ng Pilipinas na si Kelly Day bagama’t bigong masungkit ang Miss Eco International title.
Ayon sa 24-year old Tarlac native, hindi nito makakalimutan ang first ever international pageant na kanyang sinalihan at katunayan ay hindi inasahan na tatanghalin pa na first runner-up gayundin bilang Best in National Costume.
Kanyang inirampa ang kulay red na Maria Clara-inspired Filipiniana ng designer na si Louis Pangilinan.
Para sa aktres at dating miyembro ng GirlTrends, malayo na rin ang kanyang narating sa tulong ng kanyang team kaya hangad na maipagmalaki pa rin siya ng mga kababayang Pinoy.
Una rito sa ginanap na coronation sa Egypt kahapon ng madaling araw (Manila time), big winner ang Miss South Africa habang ang iba pang runner-ups ay mula sa Venezuela, United States at Costa Rica.
Sumalang ang Top 5 finalists sa isang katanungan na “how they will promote safety amid rising violence in schools?”
Sagot ng Miss Philippines: “Unfortunately, as the world is going through a lot of changes right now, there is violence. The best thing we can do right now is to improve the security in schools. There has to be things like security checks and metal detectors. That’s really all we can do right now and just share the word. As I am standing here on this stage, I have the opportunity to tell anyone who is planning to do something to children, to stop. Look after our generation, please.”
Sa ngayon ay may isa pa lamang na Miss Eco-International ang Pilipinas sa pamamagitan ni Thia Thomalia noong 2018.
Noong nakaraang taong nang dalawang beses na-postpone ang Miss Eco International dahil sa pandemya.
Sa pagtungo sa Egypt noong nakaraang buwan, nilinaw ng aktres at dating miyembro ng GirlTrends na wala naman siyang pangamba dahil mahigpit na ipinapatupad ang safety protocols at bawal din silang mamasyal pa.
Ayon naman sa Miss World Philippines organizer na si Arnold Vegafria, mababa na ang kaso ng coronavirus sa Egypt at hindi na raw nagsusuot ng face mask ang ilan doon.