-- Advertisements --

Pumirma ng dalawang taon na kontrata sa TNT Ka-Tropa si Kelly Williams.

Ito ay matapos na hindi siya naglaro noong 2020 PBA Philippine Cup at umalis sa koponan.

Ipinahayag pa noon ng 39-anyos na si Williams na magreretiro na pagdating ng bagong seson.

Umaasa si TNT team manager Gabby Cui na magiging magandang ehemplo si Williams lalo na siya ang beterano sa nasabing koponan.