-- Advertisements --

Nilinaw ng aktor na si Kelvin Miranda na walang kinalaman ang aktres na si Kira Balinger sa naging hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz ex-girlfriend. 

Noong nakaraang taon ay kumalat sa social media ang umano’y pag-uusap nina Miranda at Balinger matapos itong i-post online ng ex-GF ni Miranda.

NGunit binigyang-diin ng aktor na hindi sila naging magkarelasyon ni Balinger at hindi rin umano niya niligawan ang aktres. 

Gayunpaman, inamin ni Miranda na naguguluhan siya sa nararamdaman niya noon kay Balinger. Hindi niya umano mawari kung totoo ba ang kaniyang nararamdaman o baka dahil lamang ito sa kaniyang karakter sa pelikula kung saan magka-loveteam ang dalawa. 

Nagpahayag naman si Balinger na mahirap umanong hindi ma-develop ang feelings sa isang katrabaho lalo na kung isang magandang love story ang kwento ng pelikula. 

Pero aniya, hindi raw ito nakaapekto sa kalidad ng kanilang trabaho at hindi nila hinayaan na maapektuhan ang kanilang working relationship.