-- Advertisements --
Naglabas na ng pahayag ang actor na si Ken Chan ukol sa kinakaharap nitong kaso.
Kinasuhan ng syndicated estafa at ang actor kasama ang pitong iba na may kinalaman sak naiyang negosyo.
Sa kaniyang social media account, ay naglabas siya ng video.
Ipinaliwanag niya na hindi nito tinatakbuhan ang nasabing kaso.
Giit nito na nalugi ang kaniyang itinayong Cafe na mayroong tatlong branch at ito ay nagsara.
Naging masakit lamang ngayon sa kaniya ay iisang panig lamang ang lumabas at ito ay panig ng nagrereklamo.
Masyadong malaki ang numero na sinasabi ng nagrereklamo na nawalang pera.
Magugunitang nabigo ang mga kapulisan na maaresto ang actor ng ihain nila ang kaniyang warrant of arrest.