-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Muling binuksan sa mga motorista ang Kennon Road mula kahapon kasunod ng utos ni Office of Civil Defense-Cordillera regional director Albert Mogul.

Batay sa utos, nabuksan ang kalsada sa two-way traffic scheme mula ala-sais ng umaga ng Biyernes hanggang alas sais ng gabi sa araw ng Lunes.

Magiging one-way traffic naman ang Kennon Road tuwing Martes hanggang Huwebes para lamang sa mga paakyat na motorista.

Ayon kay Mogul, tanging ang right lane o paakyat na linya lamang ang maaaring gamitin ng mga motoristang aakyat dito sa lunsod ng Baguio kapag araw ng Martes at Huwebes.

Tanging ang mga residente lamang ng Kennon Road ang papahintulutang gagamit sa pababang linya ng kalsada.

Samantala, pinapayuhan ang mga motoristang panatilihin ang speed limit na 30 kilometro bawat oras sa kanilang paggamit sa Kennon Road.