BAGUIO CITY – Nag-abiso na ang mga opisyal sa Cordillera region kaugnay ng pansamantalang pagsasara sa mga motorista ng Kennon Road papuntang Baguio City.
Ayon kay Adm. Albert Mogol, regional director ng Office of Civil Defense, layunin ng kautusan na inspeksyunin ang naturang daan dahil sa mga nakaraang insidente ng pag-ulan.
Paliwanag ng opisyal patuloy ang kanilang ginagawang pagsusuri sa sitwasyon ng kalsada kasama ang ilang ahensya ng gobyerno dahil sa posibilidad ng landslide.
Aminado naman si Mogol na magdudulot ito ng kalbaryo sa mga motorista na aakyat at lalabas ng Baguio City.
Pero nais lang din daw ng mga opisyal na ligtas ang kalsada mula sa anumang sakuna.
Kaugnay nito, target daw ng tanggapan na buksan ang Kennon Road bago ang halalan sa Lunes.