-- Advertisements --

NAGA CITY- Nakuha ni US President Donald Trump ang boto mula sa estado ng Kentucky at Montana sa 2020 US Presidential Election.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Rowena Factor mula sa Michigan, sinabi nito na nangangamba ito maging ang mga residente sa lugar dahil posible umanong bigla na lamang magkaroon ng riot sakaling lumabas na ang resulta ng naturang eleksyon.

Sinabi tin nito na tiyak na hindi basta-basta papayag ang magkabilang kampo sakaling matalo ang kanilang pambato.

Kung titingnan kasi, isa aniya itong malaking historya sa bansa ng Estados Unidos dahil interesado dito ang lahat kung kaya halos buong mundo ang nag-aabang dito.

Dagdag pa nito, ngayon lamang nagpakita ng partisipasyon ang mga millenials kung saan halos lahat dito ang tagasuporta ni Trump.

Samantala, ikinagugulat aniya ng karamihan ang mataas na bilang ng boto na nakukuha ni Joe Biden dahil wala naman umanong nakikitang mga tagasuporta nito tuwing nagsasagawa ito ng pagtitipon.