-- Advertisements --

Pormal nang iniharap sa korte sa Amerika ang isang Kenyan national na umano’y miyembro ng tinaguriang Al-Shabaab militant group na nagbalak ng 9/11-style attack.

Ayon sa Justice Department si Cholo Abdi Abdullah, 30, ay kinasuhan na ng six counts ng terrorism-related offenses.

abdullah terrorists

Si Cholo ay inaresto sa Pilipinas noong July 2019 at dinala na sa Amerika nitong nakaraang Martes upang iharap sa Manhattan court.

Ayon kay acting Manhattan US Attorney Audrey Strauss si Abdullah ay nagtapos ng pilot training sa Pilipinas.

Kabilang daw sa balakin nito ay pag-hijack ng isang commercial aircraft at isasalpok sa isang building sa Estados Unidos tulad nang nangyari noong September 11, 2001.

“This chilling callback to the horrific attacks of September 11, 2001, is a stark reminder that terrorist groups like Al-Shabaab remain committed to killing US citizens and attacking the United States,” ani Strauss. “Abdullah’s plot was detected before he could achieve his deadly aspirations, and now he faces federal terrorism charges in a US court.”