-- Advertisements --
Inireklamo ang isang pulis sa Kenya matapos na pababarilin at mapatay ang tatlong katao dahil sa pagpoprotesta ng mga motorcycle taxi.
Naganap ang insidente sa Lessos city kung saan nagprotesta ang mga drivers dahil sa hindi tamang pag-aresto sa kasamahan nila na hindi umano nagsuot ng face mask.
Naging mahigpit kasi ang ginagawang pagpapatupad ng mga restrictions ng mga otoridad para tuluyang hindi na kumalat pa ang coronavirus.
Inaresto naman ng mga kapulisan ang kanilang kabaro na sangkot sa pamamaril.
Inirereklamo kasi ng karamihang mamamayan sa Kenya dahil sa labis na pagpapatupad ng mga otoridad ng paghihigpit sa coronavirus restrictions.