-- Advertisements --

Iniatras na ng Kenya President William Ruto ang finance bill na naglalaman ng kontrobersyal na pagtaas ng buwis.

Ang nasabing desisyon ay kasunod ng naganap na malawakang kilos protesta na ikinasawi ng 22 katao.

Sa kaniyang talumpati, nanindigan ito na hindi na niya pipirmahan ang nasabing panukalang batas.

Giit nito na marapat na sundin kung ano ang nais ng mga tao.

Magugunitang sumiklab ang kilos protesta matapos na naipasa ng mga mambabatas ang panukalang batas na naglalayong magdagdag ng buwis sa ilang bilihin.

Nilusob ng mga protesters ang parliament building kung saan nagtatago ang ilang mga mambabatas doon kaya napilitang gumamit ang mga kapulisan ng tear gas.