-- Advertisements --
Matagumpay na naidepensa ni Eliud Kipchoge ng Kenya ang kaniyang Olympic marathon title.
Natapos nito ang Tokyo Olympics 26.22 miles marathon sa loob ng dalawang oras, walong minuto at 38 segundo.
Sumunod sa 36-anyons na Kenyang runner si Badi Negeeye ng Netherlands na nakakuha ng silver.
Nakakuha naman ng bronze medal si Bashir Abdi ng Belgium.
Sinabi ni Kipchoge na masaya na ito dahil nakamit na niya ang pangarap nitong makuha ng back-to-back ang titulo na siyang magiging inspirasyon ng mga susunod na henerasyon.
Itinuturing nito na ang Olympics ay siyang hakbang tungo sa normal na pamumuhay mula sa pandemiyang nararanasan.