-- Advertisements --

Nagtala ng world record si Kenyan runner Ruth Chepngetic.

Naganap ito sa women’s marathon sa Chicago kung saan nakumpleto nito ang course sa loob ng 2:09:56 na siyang unang babae na nakagawa ng 2:10 barrier.

Nahigitan nito ang dating record na 2:11:53 na naitala ni Tigist Assefa ng Ethiopia noong Setyembre 2023.

Ang nasabng panalo ay siyang pangatlong karera sa Chicago.

Ayon sa World Athletics na kanilang pag-aaralang mabuit ang proseso na ginawa ng Kenyan runner bago tuluyang ideklara itong record holder.

Sinabi nito na labis siyang natutuwa dahil sa naabot na niya ang pangarap kung saan hindi nasayang ang kaniyang ginawang pagsisikap.