-- Advertisements --
Nabasag ni Kenyan sprinter Beatrice Chebet ang kaniyang sariling world record.
Nakuha kasi ng 27-anyos na two-time Olympic gold medalist 2024 ang mas mababang oras sa 5,000 meter road world record na isinagawa sa Curs dels Nassos sa Barcelona, Spain.
Mayroong kabuuang oras ito na 13:54 na siyang unang babae na nakabasag ng 14 minute mark para sa nasabing distansya.
Ang kaniyang dating record kasi na 14:13 ay kaniyang nakuha sa parehas na karera noong 2023.
Sinabi nito na masaya siya dahil sa nahigitan niya ang mga nagdaang record at sumasang-ayon sa mga plano ang bawat laro niya.
Isa sa nakatulong dito ay ang pagkakaroon ng magandang klima kaya naisakatuparan ni Chebet ang kaniyang record.