Balik na sa NBA court ang dating MVP ng Golden State Warriors na si Stephen Curry.
Mistulang pabuwenas ang panalo ng Warriors nang kanilang idispatsa ang Denver Nuggets sa preseason game sa score na 107-105.
Inabot din ng siyam na buwan bago nakapaglaro muli si Curry dahil sa napilay na kaliwang kamay.
Bagamat 10 puntos lamang ang nagawa at tatlong three pointers sa 10 pagtatangka, malaking bagay na rin ito para kay head coach Steve Kerr.
Masaya umano si coach na makita niyang muli ang kanyang premier player na walang katulad sa NBA.
Sa ngayon kondisyon na kondisyon daw si Curry at ilang laro pa ay magagamay din nito ang kanilang mga plays at maging ang mga bagong mukha na teammates.
“He’s so unique,” ani Kerr sa paghanga niya sa kanyang playmaker. “There’s nobody like him in the NBA. Nobody who can play on and off the ball at that level and who creates that kind of havoc.”
Para naman kay Curry, ang malaking kaibhan daw sa kanyang pagbabalik ay wala na ang dating mga fans na siyang nagbibigay ng malaking enerhiya sa kanilang mga laro.