-- Advertisements --
kerwin espinosa

Pinayagan ng korte sa Leyte na makapagpiyansa ang self-confessed drug lord na si Rolan Kerwin Espinosa at apat na kapwa nito akusado sa kasong may kinalaman sa illegal drug trading.

Batay sa desisyon ng Baybay Regional Trial Court, ipinaliwanag nito na nabigo ang prosekusyon napatunayang guilty ang mga akusado.

Kabilang sa mga pinayagan na makapag piyansa ay sina Alfred Batistis, Bryan Anthony Zaldivar, Jose Antipuesto, at Marcelo Adorco.

Si Espinosa at ang kanyang kapwa akusado ay humaharap pa rin sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Section 26(B) na may kaugnayan sa Section 5. Article II ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022 .

Kung maaalala, inamin ni Espinosa noong 2017 sa isang pagdinig sa senado na nagbigay siya ng drug payoffs sa mga dating opisyal ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency kapalit ng proteksyon ng kanyang illegal drug trade sa Eastern Visayas.

Gayunpaman, sinabi ng korte na nasabing pag-amin ni Espinosa ay hindi sapat na batayan para sa paghatol dahil sa kawalan umano ng tinatawag na corpus delicti na nangangahulugang ang ktimen ay dapat mapatunayan nangyari bago bigyan ng hatol si Espinosa.

Kinakailangan din ang malakas na ebidensya na magpapatibay sa alegasyon.

Dagdag pa ng korte, walang eyewitnesses sa naturang krimen na positibong magtuturo kay Espinosa sa sa mga kapwa akusado.

Ibinasura rin ng korte ang drug case laban sa ama ni Espinosa na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa na napatay sa isinagawang drug raid sa loob ng kulungan nito noong November 5, 2016.