-- Advertisements --
Itinanggi ni Albuera, Leyte mayoralty candidate Kerwin Espinosa ang alegasyon ng “ambush me” o gawa-gawa lamang ang pamamaril sa kaniya.
Sa kaniyang paglabas sa pagamutan ay binatikos nito ang nagsasabing inimbento lamang nasabing pamamaril sa kaniya.
Giit niya na paano magiging scripted ang pangyayari na gagamit ng double action na bala na tumama sa kaniyang dibib.
Nangangamba na ito ngayon sa kaniyang buhay matapos na ibunyag ng Philippine National Police (PNP) na mayroong pitong pulis ang nakikita nilang suspek.
Magugunitang nitong Huwebes ng binaril si Espinosa habang ito ay nasa kasagsagan ng kaniyang pangangampanya.