-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record sa kaniyang career si Kevin Durant.

Siya kais ang pang-walong manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nagtala ng 30,000 points.

Nakamit nito ang record sa laban ng Phoenix Suns kontra Memphis Grizzles.

Ang 36-anyos na Suns forward ay kabilang na sa listahan na pinangunahan nina LeBron James, Kareem Abdul Jabbar, Karl Malone, Kobe Bryant, Michael Jordan, Dirk Nowitzki at Wilt Chamberlain na mayroong 30,000 points.

Mayroong 27 point per game at 52 percent ang shooting ni Durant.

Itinuturing ni Durant na isang karangalan ang mapabilang sa nasabing record.